PUMASOK ang tropical storm Huaning sa Philippine area of responsibility (PAR) dakong 11:00 am nitong Linggo, ayon sa ulat ng weather bureau PAGASA.
Ang bagyong Huaning, may maximum sustained winds hanggang 75 kph malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 90 kph ay namataan dakong 10:00 am nitong Linggo sa 250 kilometers west ng Basco, Batanes.
Itinaas na sa storm signal number 1 ang Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra at Northwestern Cagayan, kabilang ang Babuyan Group of Islands.
Ang bagyong Huaning ay inaasahang magdudulot ng “mo-derate to heavy rainfall” sa nabanggit na mga lalawigan.
Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay magpa-patuloy na palakasin ang Southwest Monsoon o Habagat, na magdudulot ng “mo-derate to occasionally heavy rains” sa western section ng Northern at Central Luzon.
Bunsod nito, ang mga residente sa nabanggit na area ay pi-nayuhang mag-ingat sa posibleng flashfloods at landslides.
Ang Metro Manila ay makakaranas ng “partly cloudy to cloudy skies” na may panaka-nakang pag-ulan o pagkulog.
Ang ibang bahagi ng Luzon at western Visayas ay makakaranas din ng maulap na panahon at katamtaman hanggang sa malakas na hangin.
Ang Mindanao ay magkakaroon ng “partly cloudy to cloudy skies” at may panaka-nakang pag-ulan at pagkulog at bahagya hanggang katamtamang pag-alon sa karagatan.