Saturday , November 16 2024
shabu drugs dead

3 patay sa drug bust sa Tondo

TATLONG lalaki ang patay makaraan ma-kipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na sina Leonardo “Bebe” Dela Cruz, Rodrigo “Digoy” Albos, at Reynaldo “Nognog” Dela Cruz, pawang residente sa nasabing lugar.

Ayon sa Manila Police District, nakabili ang kanilang operatiba ng P500 shabu mula kay alyas Bebe.

Ngunit makaraan mag-abutan ng pera at shabu, nakatunog si alyas Bebe na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya itinulak niya upang makatakas.

Sumigaw anila si Bebe upang makahingi ng tulong sa dalawa niyang kasama.

Agad umanong pinaputokan sina alyas Digoy at Nognog ang ope-ratibang si Mandap, dahilan para gumanti ang nakaantabay na pulis at humantong sa enkuwentro ang operasyon.

Nang tamaan sina Digoy at Nognog, sinubukan ng mga pulis na pasukuin si alyas Bebe ngunit naglabas ang suspek ng granada.

Binaril ng mga pulis ang suspek nang akmang ibabato ang pampasabog.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang mga suspek.

Nakuha mula sa kanila ang 13 pakete ng shabu, dalawang kalibre .38 baril at isang fragmentation grenade. (BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *