Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 bugaw arestado, 17 dalagita nasagip ng NBI sa private resort

INIHARAP sa media ng mga opisyal ng National Bureau of Investigation – Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) ang inarestong mga suspek na sina Glady Dulot at Cherry Ann Lascano, habang sinagip ang 17 dalagitang sinasabing kanilang ibinubugaw sa isang private resort sa Caloocan City. (BONG SON)
NASAGIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) ang 17 dalagita mula sa kamay ng mga bugaw sa isang private resort sa lungsod ng Caloocan, kahapon.

Ayon kay NBI Director Dante A. Gierran, arestado ang dalawang babaeng hinihinalang mga bugaw na sina Glady Dulot at Cherry Ann Lascano.

Habang nasagip ang mga biktimang may edad 13 hanggang 17-anyos.

Ayon kay NBI Director Gierran, ikinasa ang operasyon bunsod nang natanggap nilang impormasyon na may grupo ng mga bugaw ang nag-aalok sa mga menor de-edad para sa sekswal na serbisyo sa mga lala-king kliyente.

Dahil dito, agad nagsagawa ng entrapment operation at nagpanggap na mga parokyano ang mga ahente ng NBI.

Batay sa ulat, dakong 7:00 pm nitong Huwebes, dinala ng mga suspek na sina Dulot at Lascano ang mga menor de edad sa isang hindi tinukoy na private resort sa Caloocan City.

Lingid sa kaalaman ng mga suspek, nakapuwesto na ang iba pang mga operatiba ng NBI, katuwang ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa lugar na pinagdalhan sa mga dalagita, at doon sila pagpipilian ng mga parokyano.

Nabatid na P6,000 ang pres-yo ng mapipiling menor de edad habang P1,000 sa hindi mapipili bilang konsolasyon.

Inilipat sa kustodiya ng City Social Welfare ang mga menor de edad upang isailalim sa counseling.

Habang ang nahuling mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act, as amended) at RA 7610 o Anti-Child Abuse Law.

(BRIAN GEM BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …