Sunday , December 22 2024

SOMA

KAMAKAILAN ay inihatid sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA ngunit imbes iulat sa taongbayan ang kanyang mga nagawa sa loob ng isang taong pamamalagi sa poder ay mas pi-niling ilabas ng Pangulo ang kanyang saloobin kaya may palagay ang Usaping Bayan na mas dapat na tinawag na State of the Mind Address o SOMA ang naganap.

Katulad nang inaasahan ay walang kahihi-yang nagmura si Duterte habang sinasabi ang kanyang mga saloobin laban sa media, mga kalaban sa politika, mga rebelde at dayuhan na hindi sang-ayon sa kanyang madugong patakaran laban sa bawal na gamot.

Pabalik-balik na parang sirang plaka na tinalakay ang kanyang paboritong usapin, ang laban sa bawal na gamot.

Hindi pa nakontento sa walang lamang talumpati at pagmumura, sinalaula pa niya ang Tanggapan ng Pangulo nang sabihan niya ang mga rebeldeng komunista na ‘maglulo’ o magsalsal (na lamang). Aba, tiyak na matatampal tayo sa bibig ng ating mga nuno kung maririnig nila sa atin ang ganitong uri ng pananalita.

Wala sanang masama sa nangyari kung sila-sila lamang ng mga tao niya sa kongreso ang nakarinig ng kanyang mga sinabi kaso hindi lamang buong Filipinas, kabilang na ang mga bata, kundi buong mundo ang nakarinig at nakasaksi sa kanyang matatawag ng Usaping Bayan na “verbal voyeurism.” Nakahihiya.

Hindi dahil hipokrito tayo kaya natin pinupuna ang kabastusan ng Pangulo. May mga pagkaka-taon na tayo ay nagiging bastos din nang hindi natin namamalayan pero bilang Pangulo ng bansa ay dapat maging maingat sa pagsasalita si Duterte. Wala siyang luho na maging balahura sa kilos at pananalita sapagkat siya ang mukha at bibig ng lipunang Filipino sa mundo.

Isa pang nakalulungkot na napansin ng Usa-ping Bayan sa panahon ng SOMA ni Duterte ang kawalan ng paninindigan (o isip) nang karamihan sa miyembro ng kongreso. Akalain ba naman na palakpakan at hagikgikan ang mga walang kuwentang biro (biro nga ba?) at kabastusan na pinakawalan ni Duterte, lalo na ang kanyang kaliwa’t kanang pagmumura.

May palagay akong nakikita ng mga senador at kongresista ang kanilang kenkoy na sarili kaya hindi nila mapigilan ang pagtawa at pagpalakpak, na badya rin ng pagkonsinti sa masamang asal ng Pangulo.

Haaay…kawawang Filipinas. Tila wala na ta-yong masusulingan dahil lahat halos ng institus-yon na dapat ay kumakalinga sa atin ay isa-isang winawasak ng galit na hatid ng administrasyong Duterte.

***

May mabubuti pa ring empleyado ang Ninoy Aquino International Airport na hindi nasisislaw sa kinang ng salapi. Para sa karagdagang de-talye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *