IPINATATANONG ng mga taga-Eastern Samar kung ano na ang health status ngayon ng kanilang gobernador na si Conrado Nicart, Jr.?
Habang naghahanda ng kanilang reklamo sa Ombudsman ang mga nagmamalasakit o crusader na Samarnon na pinangungunahan ng mamamahayag na si Art Tapalla, Joel Amongo, kasalukuyang presidente ng Department of the Interior and Local Government – National Police Commission (DILG-NAPOLCOM) Press Club at Tirso Paglicawan, Jr., nagpapakilalang anti-corruption crusader, biglang napabalitang na-comatose umano si Gov. Nicart.
Kamakalawa, sinampahan ng iba’t ibang kasong korupsiyon nina Tapalla, Amongo at Paglicawan si Nicart, ang kanyang kabiyak na si Mayor Thelma Uy-Nicart at ang 11 Provincial Capitol officials sa Ombudsman.
Ang 11 Provincial Capitol officials na sinampahan ng kaso ay sina Executive Assistant II Josephine Lyn Uy Hui, Executive Assistant Mark Joseph Uy Hui, budget officer Eleanor Lombedencio, accountant Lea Gargando, at chief of staff Virgilio Capon na kasalukuyang OIC Governor.
Kasama rin sa sinampahan ng kaso ang mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) na pinangungunahan ni Dr. Deogracia Paanom bilang chairman, Belindo Morallos, vice chairman, at mga miyembrong sina Joselio Mutia, Engr. Thomas Campomanes at Cirilo Quinsonayas at iba pa na pansamantalang kinilala bilang ‘John Does’ at ‘Jane Does.’
Nagsampa ng reklamo sina Tapalla dahil matagal nang hindi nagpapakita ang kanilang gobernador sa publiko.
Bukod diyan, nakikita ng mga taga-Eastern Samar na si ‘Mayora’ ang umaaktong gobernadora.
Kung nakikita man umano sa Kapitolyo so Gov. Nicart, lumalabas na siya ay isang observer lamang sa mga pagpupulong o komperensiya. Hindi nagsasalita at mukhang hindi rin nauunawaan kung ano ang pinag-uusapan.
Sa ganitong kalagayan, lalong tumitindi ang hinala ng mga Este Samarnon na wala nang kakayahang mamuno ang kanilang gobernador at namamanipula na lang ng ‘Mafia’ sa kapitolyo.
DILG OIC, Undersecretary Catalino Cuy Sir, puwede bang huwag na natin hintayin ang de-sisyon ng Ombudsman dahil baka matabunan lang ang reklamo ng mga katoto namin?
Puwede bang paki-imbestigahan na ninyo kung ano ba talaga ang status ng kalusugan ni Eastern Samar Gov. Conrado Nicart, Jr., at ano na ba talaga ang nangyayari sa kanilang lalawigan?!
Kaya siguro maraming pumapabor sa pederalismo kasi alam nila kapag may ganitong prob-lema o isyu sa kanilang lalawigan ay mabilis na maaaksiyonan.
Sa sistema ngayon, kailangan pang maghintay ng mga Este Samarnon sa aksiyon ng national government bago nila malaman kung magagawaran sila ng katarungan.
Aksiyon lang po, DILG OIC Cuy!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com