Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo naluha, ‘di inimbita sa 7th birthday ng anak

RAMDAM namin ang pagiging emosyonal ni Paulo Avelino nang matanong pagkatapos ng launching niya bilang isa sa endorser ng RDL beauty products sa hindi niya pagdalo sa 7th birthday ng anak niyang si Ethan Akio.

Ipinagdiwang ni Aki, anak niya kay LJ Reyes, ang 7th Batman inspired birthday celebration noong July 22 at marami ang nagtaka at nagtanong kung bakit wala ang actor gayung isa sa pinakamahalagang okasyon iyon para sa kanyat at sa anak.

Ginanap ang birthday celeb sa Blue Leaf Cosmopolitan, sa Libis, Quezon City.

Ani Paulo, “Hindi ako invited. Hindi ako invited, yun lang,” ukol sa hindi niya pagdalo sa kaarawan ng anak. Kaya naman ipinadala na lamang niya ang kanyang regalo.

Samantala, kinompirma naman niya ang ukol sa magandang pagtitinginan nila ng Filipino-Australian model na si Jodie Elizabeth Tarasek.

Aniya, “Kami na!” maigsing tugon nito. “Pero hindi ko na sasabihin kung kailan, pero kami na,” giit pa ng Kapamilya actor sa reporter ng PEP.

Hindi rin nito ikinaila na maligaya siya ngayon.

Samantala, nakatutuwa pala ang kuwento kung paano nakuhang endorser ng RDL si Paulo.

Anang actor, naimbitahan sila sa bahay nina Madam Leonora at anak nitong si Mercedita Lim sa Davao nang minsang mag-show ito roon. Nang makita siya ni Ms. Mercedita, sinabihan siyang kukunin niya itong endorser.

Kaya naman kamakailan, ipinakilala si Paulo bilang new face ng RDL Papaya Soap, gawa ng RDL Pharmaceutical Laboratory Inc..

Nangyari ang pirmahan ng kontrata noong Marso 10 kasama sina Ms. Mercedita at Robert Lim sa birthday party ng kanilang ina at Presidente/CEO ng RDL na si Madam Leonora.

Grateful at honored naman si Paulo na maging RDL product endorser at excited na rin siyang makiisa sa series of media campaign ng produktong ito.

Sa loob ng 22 taon, nananatiling pinakapinagkakatiwalaan ang RDL products na sinuportahan din ng mga kilalang artistang tulad nina Coco Martin, Yen Santos, Arron Villaflor, Maja Salvador at iba pa. Isama na natin ang kanilang kauna-unahang endorser na si Angelika dela Cruz.

Ayon kay Ms. Mercedita, hindi lamang sa ‘Pinas pinagkakatiwalaan ang kanilang produkto, maging sa ibang bansa sa Asia ay marami na rin ang gumagamit nito.

Sa kabilang banda, kasabay na inilunsad noong Martes bilang endonser si Albert Martinez bilang new face ng RDL Lana de Herba Liniment Oil.

Tulad ni Paulo, maligaya rin at nagpapasalamat siya sa RDL dahil siya ang napili para iendoso ang produktong Lana de Herba.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …