Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek, ‘di pa rin iiwan ang TV5

ANIM na buwan din palang namahinga si Derek Ramsay sa showbiz. Ang dahilan, itinuon niya ang kanyang oras sa pagti-train ng Frisbee o pinaghandaan ang World Championships of Beach Ultimate at pagkaraan ay lumaban sila sa France.

Subalit hindi nila nakuha ang inaasam na gold medal. Bagkus, 4th placer lamang sila. “Fourth placer kami sa buong mundo which is not bad out of 30 countries but talagang really disappointed kami kasi talagang pinaghirapan namin ‘yun,” ani Derek nang makausap naming sa press launch ng mini-series niyang Amo ni Brillante Mendoza sa TV5.

Hindi itinago ni Derek ang panghihinayang dahil iyon na ang last chance niya para makapaglaro dahil nga naman nagkaka-edad na siya at mas bata ang nakakalaban dagdag pa na hindi na niya kayang makipaghabulan pa sa mga ito.

Kaya naman naka-focus na naman siya ngayon sa kanyang showbiz career. At ito ngang mini-series sa TV5 ang una niyang handog sa mga fan na naka-miss sa kanya.

Sa Agosto 20, Linggo, 9:30 p.m. unang matutunghayan ang Amo na gagampanan niya ang isang napakasamang alagad ng batas. Itoý pagbibidahan ng isang baguhang si Vince Rillon.

Ani Dere, excited siya sa Amo bagamat hindi siya ang pinakabida kundi si Rillon.

Paliwanag ni Derek, maganda ang materyales at kakaiba ang role na ginagampanan niya.

Twelve episodes ang Amo na punumpuno ng aksiyon at drama. Kasama rin ditto sina Allen Dizon, Felix Roco, Apollo Abraham, at Archie Adamos.

Ukol naman sa kung saang network na siya, obviously, sa TV5 pa rin ang loyalty niya at wala siyang balak umalis dito. Bukod kasi sa Amo may isa pa siyang uumpisahang project na ukol naman sa sports.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …