Monday , December 23 2024

Anomalya sa recognition bilang Filipino citizenship sa BI nabulgar! (Attn: SoJ Vitaliano Aguirre)

TALAMAK pa rin ang bentahan ng “Identification Certificates” sa pamamagitan ng “recognition as Filipino citizens!”

Kung hindi tayo nagkakamali, mayroong ilang grupo na nagsikap na maipaabot ang isyung ito sa Malacanañg at kung hindi tayo nagkakamali maging sa Office of the Ombudsman.

Nangyari umano ito noong Agosto 2010 hanggang Marso 2011 na mahigit 500 Chinese nationals ang nakinabang, sa kung sakali ay pinakamalaking anomalya sa history ng Bureau of Immigration?!

Wattafak!?

Wala palang sinabi ang extortion scandal na kinasangkutan ng 2 asso-shit ‘este associate commissioners noong nakaraang taon. Kalakip daw sa naturang report ang mahigit 200 kopya ng “identification certificates” ng mga naging “instant Filipino” na makikita ang approval sa pamamagitan ng pirma ng noon ay tumatayong officer-in-charge ng BI noon na si Atty. RONALDO LEDESMA!

OMG!

Paanong nangyari ‘yan?

‘Di ba nga galit sa corrupt at racketeer si ateng ‘este si Atty. RDL!?

Ayon sa report, siyento por siyento raw na hindi QUALIFIED sa nasabing “recognition” ang mga naaprubahang tsekwa dahil “BOGUS” umano ang tumayong petitioners bukod pa sa pekeng requirements na isinumite ng mga nag-file o nag-process ng kanilang recognition.

Susmaryosep!

Madali lang daw malaman kung gusto talaga nilang i-trace ang naturang anomalya.

Una, tingnan lang sa isinumiteng birth certificate ng kanilang petitioners. Makikita na lahat ay “late registration” sa National Statistics Office ang kanilang birth certificates na inirehistro sa nasabing ahensiya.

‘Packing’ sheet!

Kasabwat din ba ang NSO rito?! Ang tanong, bakit ngayon lang nabulatlat ang anomalyang ito?

Alam na alam sa BI main office kung sino ang mga notorious fixers gaya nina “Tita Betty,” “Anna Sey” at “Le-Ah” ang mga paboritong tagalakad ng recognition noong panahon na ‘yun ‘di ba?

Correct me if I’m wrong, ang singilan yata noon ay P200k kada recognition, tama ba?

Sabagay sino nga naman ang maglalakas-loob na magreklamo noong panahon na nakapuwesto pa sa administrasyon ni PNOY ang mga perpetrator ng “citizenship for sale” lalo pa at alam nang lahat na very close kay ES Ochoa at former DOJ Usec Jovy Salazar ang tumayong OH I SEE ‘este OIC ng Bureau of Immigration noong mga panahong iyon?

Well, I guess it’s about time na kalkalin ng Kongreso ang malaking anomalyang ito!

Knowing PRRD na very “patriotic,” I’m sure hindi niya papayagan na makalusot sa kanya ang nasabing anomalya. Imagine, more than 500 Chinese nationals na biglang naging Pinoy?

Hindi nakapagtataka kung bakit biglang dumami ang bilang ng mga tsekwang na-involved sa iba’t ibang klaseng krimen sa ating bansa.

Malay ba natin kung may naging mga tagapagluto at distributor ng shabu ang ilan sa kanila?! Ano na ba ang nangyayari sa ating bansa?

The ball is now yours, DOJ Secretary Vitaliano Aguirre, Sir!

Panahon na po para maimbestigahan ang matagal nang nakatagong lihim ng “Citizenship for Sale” sa BI…

At a bargain price!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *