Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Selina’s Castle of Beauty and Wellness: Alagang hari at reyna

PERSONAL naming nakita kung paano tinanggap ng mga Cebuano ang bagong tatag na negosyo ng singer na si Selina Sevilla kasama ang mga partner na si Lalen Calayan at ang napakabait na mag-asawang Senorito Michel at Senorita Amparito Lhullier, ang Selina’s Castle of Beauty and Wellness na matatagpuan sa 2nd floor West Strip, Park Mall, Mandaue City.

Nagkaroon na ito ng soft opening noong Hunyo at noong Hulyo 15, isinagawa ang blessings at formal opening nito. Pero sa isang buwan pa lamang na pag-o-operate ng beauty and wellness clinic, marami na agad itong parokyano, siguro’y dahil sa bukod sa mura ang mga treatment doon, may personal touch pa ang magaling na singer na si Selina.

Ayon nga kay Senorito Michel, ”When I came here the first time, I never I felt tired. Good for my body. A place you can beautify yourself. And very affordable. And we have very good doctors.

“Beware of others who come out here and we find out they are not doctors. We have only one body. We have to take care of it. My face a month ago was really bad. We want the best!”

Sambit naman ni Senorita Amparito, “We all look beautiful forever. And we love to come here every now and then to relax and feel better.”

Pahayag naman ni Selina, “gusto naming na talagang ma-relax, maging reyna at hari ang mga magpupunta rito sa clinic namin.” Kaya naman, sa kanilang services na facial, whitening, royal vip, massage, body treatment, slimming services, laser treatment, hard waxing hair removal, warts removal at iba pa, tiyak na masa-satisfy ang lahat ng papasok at lalabas doon.

Mayroon din silang sauna, shower, hot and cold tubs at iba pa. Kaya nga masasabing, bukod sa pagmamahal at pagkalinga, ang Selina’s Castle ay para sa mga nagnanais magkaroon ng satisfying oneself.

Samantala, hindi naman naitago ni Aly Sevilla, dalaga ni Selina at Marketing Director ng Selina’s Castle ang katuwaan dahil buong pamilya ang bumibisita sa kanilang wellness spa.

“I really made it a point na maging pampered ang bawat miyembro ng pamilya sa spa. And very affordable ang presyo namin for a VIP Royal Treatment costing P999. May hair spa, shower and sauna, slimming or whitening body scrub, and massage. At para hindi mainip ang mga bata mayroon ding services para sa kanila. Na iningatan namin kaya walang harsh and harmful chemicals na gagamitin sa kanila.”

Ano pa ang hinihintay ninyo, kung gusto ninyo ng alagang hari at reyna, go na kayo sa Selina’s Castle of Beauty and Wellness, powered by MLCalayan.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …