Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kaligtasan ng pasahero

KASALUKUYANG naghihigpit ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa hindi awtorisadong operasyon ng mga sasakyan ng Uber at Grab na kapwa napaiilalim sa transport network vehicle services (TNVS).

Dahil dito ay naglabas ng open letter sa kanyang Facebook page ang CNN Philippines anchor na si James Deakin para kay Transportation Secretary Arthur Tugade.

Binatikos ng CNN anchor ang ginawa ng LTFRB at gumawa ng online poll na nagpapakitang ang 99.7 porsiyento ng 87,629 bumoto ay mas gustong sumakay sa Uber at Grab dahil mas ligtas kompara sa taxi.

Ayon sa paulit-ulit umanong pahayag ng board ay nais nilang sumunod ang TNVS sa alituntunin pero hindi naman sila nagbubukas ng daan o pamamaraan para masunod ang kanilang kahilingan.

Noong Hulyo 2016 ay sinuspendi ng LTFRB ang aplikasyon para sa akreditasyon ng mga driver at naglabas ng utos na nagpaparusa sa mga TNVS na nagpapatuloy ng operasyon kahit na walang awtoridad o certificate of public convenience. Parehas ba naman na maituturing ang pagpaparusa ng LTFRB sa mga driver at operator sa ganitong pamamaraan? Pinagmulta ang Grab at Uber ng tig-P5 milyon dahil sa patuloy na pagpapatakbo ng operasyon nang walang kaukulang permiso o pagiging kolorum, kahit nakapag-apply na pero sinuspendi lang nila ang pagbibigay ng prangkisa.


Sumagot si Tugade na bubuo ang LTFRB ng grupo na may mga kinatawan mula sa mga kinauukulang kompanya upang maresolba ang isyu.

Bakit nga ba mas tinatangkilk ang pagsakay sa Grab at Uber? Simple lang ang dahilan. Nais ng publiko ng masasakyan na maghahatid sa kanila nang maginhawa at matiwasay sa pupuntahan, at hindi sila dadalhin sa kapahamakan.

Ilang taxi drivers ang mabaho, bastos at abusado. Maraming ulit na rin naulat ang iba’t ibang krimen na nagaganap sa loob ng taxi mula sa panghoholdap, panggagahasa hanggang sa pamamaslang. Marami ring taxi ang mabaho, marumi, at mainit kaya inaayawan ng mga pasahero.

Kompara kasi sa ibang pampublikong transportasyon ay mas maingat ang pagpili at pagpapataw ng regulasyon sa mga nagnanais pumasok bilang driver ng Grab at Uber. Ang pagpasok nila sa industriya ng transportasyon ay hakbang tungo sa pag-unlad at dapat suportahan.

Naniniwala ang Firing Line na dapat isaalang-alang ng gobyerno na mapabuti ang buhay ng mga pasahero. Ang kaligtasan at kapakanan ng publiko sa kanilang sinasakyan ang dapat pagtuunan at hindi lamang ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga negosyo.

Masisisi ba natin kung ulanin man ng pagbatikos ang ginawang paghihigpit ng LTFRB sa TNVS?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …