Thursday , May 15 2025

Inmate sa NBP iniutos ilipat

INIUTOS ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagbabalik sa mga bilanggo sa kanilang orihinal na detention facility at inaprobahan ang paglilipat ng mga preso sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Sa ilalim ng Department Order 496, iniutos ni Aguirre sa Bureau of Corrections (BuCor) na agad ibalik ang mga preso na dating inilipat mula sa Building 14 patungo sa maximum security o medium security compound, at mula sa maximum security patungo sa medium security mula noong 1 Disyembre 2016.

Sa Building 14 nakapiit ang high-profile inmates na hinihinalang may kontrol sa 75 porsiyento ng illegal drug trade sa bansa na nais buwagin ng gobyerno.

Binigyan ni Aguirre ang BuCor ng sampung araw para sundin ang kanyang direktiba, gayondin ang pagsusumite ng listahan ng imbentaryo ng lahat ng preso na dating inilipat sa ibang detention facility.


NEW SAF CONTINGENT
IDINEPLOY SA BILIBID

ISANG batalyon ng contingent ang idineploy ng Philippine National Police Special Action Force bilang kapalit ng daan-daang police commandos na nagbabantay sa New Bilibid Prison sa gitna ng mga ulat nang pagnumbalik ng illegal drug trade sa loob ng national penitentiary.

Nitong Lunes, sinabi ni Justice Undersecretary Antonio Kho, Jr. sa mga mamamahayag, na ang bagong SAF contingent ang pumalit sa security operation sa NBP maximum security compound nitong Sabado.

Hinggil sa ulat na ang drug trade ay nalipat sa medium security compound kasunod ng regular raids na ipinatutupad sa maximum security compound at Building 14 na kinapipiitan ng high profile inmates, sinabi ni Kho na agad niya itong tutugunan.

“We want the SAF to provide additional complement (force) but they are also involved in many activities. We cannot compel them or ask them to guard the entire NBP,” ayon kay Kho.

Tinatayang 400 SAF troopers ang itinalaga sa NBP noong Hulyo 2016, kasunod ng intelligence reports na patuloy ang high-profile inmates sa operasyon ng illegal drugs gamit ang mobile phones sa kanilang mga transaksiyon.

Gayonman, nabalot sa kontrobersiya ang “tour of duty” ng SAF nang ibunyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II nitong buwan, na ang police commandos ay maaaring sangkot sa ilegal na aktibidad, nagresulta sa pagnumbalik ng illegal drug trade sa piitan.

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *