Saturday , November 16 2024
road traffic accident

2 mixed martial arts fighters patay sa highway; Motorcycle rider dedbol sa bundol

PATAY ang dalawang mixed martial arts fighters makaraan mabundol ng isang taxi cab sa highway ng Cagayan de Oro City, nitong Linggo.

Kinilala ang mga biktimang sina Rocky Batolbatol, 32, at Glenar Ponce, mga miyembro ng Mindanao Unified Mixed Martial Arts (MUMMA) group.

Ang mga biktima ay tumatawid sa national highway sa Brgy. Gusa nang mabundol sila ng taxi cab na minamaneho ni Jerson Bersabal dakong 12:30 am. Ang mga biktima ay idineklarang dead-on-arrival sa JR Borja Memorial Hospital.

Agad nadakip ang taxi driver at ngayon ay nakapiit sa Agora Police Station sa lungsod.



 

Motorcycle rider dedbol sa bundol

PATAY ang 22-anyos motorcycle rider makaraan sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na Mitsubishi Adventure sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.

Hindi umabot nang buhay sa Valenzuela City Medical Center ang biktimang si Christian Villanueva, residente sa 40 G. Marcelo St., Brgy. Maysan, ng lungsod, sanhi ng pinsala sa ulo at katawan. Ayon kay Valenzuela police traffic investigator PO1 Fridayrich Delas Nadas, dakong 2:40 am nang mangyari ang insidente habang tinatahak ng biktima lulan ng motorsiklo (ZL-5775), ang Maysan Road mula sa McArthur Highway. Sa ulat, biglang kumabig pakanan ang motorsiklo kaya sumalpok sa Mitsubishi Adventure (ZFS-889) na minamaneho ni Joan Dorado, 36, ng Block 5, Lot 7, Road 3, Minuyan 2, San Jose Dle Monte City, Bulacan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *