BUKOD sa suportado ng taongbayan ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, malinaw na suportado rin ito ng Senado at Kamara. Pinatunayan ito nang aprubahan ng Kongreso ang hinihingi ni Digong na extension ng martial law sa Mindanao hanggang 31 Disyembre 2017, sa katatapos na joint session ng Congress nitong Sabado.
Sa botong 261–18, pinagtibay ng mga miyembro ng Senado at Kamara ang extension ng martial law sa buong Mindanao na nauna nang idineklara noong 23 May 2017 sa ilalim ng Proclamtion 216 matapos sumiklab ang Marawi siege.
Sa Senado, ang naging resulta ng botohan ay 16-4. Ang apat na senador na tutol sa extension ng martial law ay sina Senador Frank Drilon, Bam Aquino, Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros.
Inaasahan na ang no vote mula sa apat na Liberal Party senators dahil sa sagad-sagaring anti-Digong ang nasabing mga mambabatas. Kamoteng maituturing sina Drilon, Bam, Kiko at Risa dahil wala silang ginawa kundi batikusin ang administrasyon ni Digong kahit walang ma-tibay na batayan na pinanghahawakan.
Pansinin itong si Risa, simula nang maupo si Digong, hindi mo na naringgan ng magandang komentaryo sa administrasyon. Puro nega-tibo ang mga pahayag at epal na epal ang dating sa mga isyu kanyang sinasawsawan.
Mantakin ninyong pati military operation ay pinakialaman pa nitong si Risa. Sabihin ba naman nitong… “martial law has no strategic contributions to the military’s anti-terrorism operations in Marawi.”
Parang bawang talaga itong si Risa, lahat na lang ng isyu nakasahog!
Lalo na itong si Bam, hanggang ngayon nag- iilusyon pa rin na siya ay si Ninoy Aquino. Pati ang mga kilos at estilo ng mga pahayag ng yuma-ong senador ay pilit na ginagaya at kulang na lang magpabaril na rin sa tarmac ng NAIA.
Sabihin ba naman ni Bam na siya ay nangangamba na ang batas militar ay maaaring ideklara hindi lamang sa Mindanao kundi pati raw sa Luzon at Visayas. Espekulasyon lamang ito ni Bam kahit nga sinabi na ni Digong na kung magi-ging matiwasay na sa Marawi ay kanyang babawiin ang martial law kahit hindi pa sumapit ang December 31 deadline.
At ano pa ang maaasahan kay Drilon? Ipinagpipilitan niyang wala raw rebelyon sa Marawi kahit lantaran na ang ginagawang pakikipagdigma ng Maute group laban sa gobyerno. Hindi alam ni Drilon na ang elemento ng rebelyon ay grupong organisado, armado at ninanais na pabagsakin ang gobyerno. Hindi pa ba sapat na batayan ‘yun?!
Si Kiko naman parang manghuhulang si Ma-dam Auring, puro espekulasyon ang alam. Na-ngangamba raw siya at baka sa buong Filipinas na ideklara ang martial law. Kahit din walang matibay na batayan, repeke rin itong si Kiko basta makabatikos at makakontra lang sa administras-yon ni Digong.
Kamote talaga ang apat na senador. Walang maaasahan at walang matinong pahayag na gagawin. Basta ang sa kanila, makabanat lang kay Digong, OK na. Nakaaawa sina Drilon, Kiko, Bam at Risa, pilit na pilit ang pagpapapansin sa Senado.
SIPAT – Mat Vicencio