PATAY ang dalawang preso habang kritikal ang kondisyon ng isa pa makaraan atakehin ng heat stroke sa loob ng Manila Police District – Station 9 detention cell sa Malate, Maynila, iniulat ng pulisya kahapon.
Ayon sa MPD Homicide Section, kinilala ang mga biktimang namatay na sina Michael Justiniave, alyas Bakla, 44, ng Blk. 16, Lot 14, Bagong Silang, Phase 9, Caloocan City, at Rolly Olarte, 37, taxi driver, residente sa 507 Facundo St., Pasay City.
Habang inoobserba-han sa Ospital ng Maynila ang isa pang preso na si Rolando Maniquis, at idineklarang nasa ligtas nang kalagayan si Ireneo Concordia, 42, sidecar boy, residente sa 1720 Muñoz, Tramo, Pasay City.
Sa imbestigasyon ni MPD Station 9 commander, Supt. Rogelio Roger Ramos, dakong 2:20 am nang maganap ang insidente sa loob ng detention cell ng MPD-PS 9 dahil sa dami ng inmates na nakakulong sa loob ng selda, dahilan para isugod ng pulisya sa nasabing pagamutan ang apat na inmates.
Ngunit idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Joseph Bathan sina Justiniave at Olarte, habang nasa kritikal na kondis-yon si Maniquis.
Nabatid kay Supt. Ramos, idinisenyo ang selda para sa kapasidad na 50-70 detainees ngunit dahil sa matinding kampanya laban sa krimina-lidad at droga ng pulisya, umabot sa 114 detainee ang kasalukuyang nakakulong sa naturang detention cell.
ni BRIAN GEM BILASANO