SA unang pagkakataon sa tatlong quarters, ang porsiyento ng mga Filipino na naniniwalang sila ay mahirap ay bumaba, ayon sa Social Weather Stations (SWS) kahapon,
Umabot sa 44 porsiyento ng 1,200 respondents sa June poll ang ikinonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap. Ito ay katumbas ng 10.1 milyong pamilya, ayon sa SWS.
Ang self-rated poverty ay bumaba ng 6 puntos mula sa 50 porsiyento o 11.5 milyong pamilya nitong Marso, ayon sa SWS.
Nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Hunyo 2016, ang self-ra-ted povery ay nasa 45 porsi-yento.
Ito ay bumaba sa 42 porsi-yento nitong Setyembre ngunit umakyat sa 44 porsiyento nitong Disyembre at naging 50 porsi-yento sa first quarter ng 2017.
Ayon sa SWS, ang pagbaba ng self-rated proverty nationwide ay dahil sa low scores sa Balance Luzon at Metro Manila, na nagdulot ng bahagyang pagtaas sa Visayas at Mindanao.
Ang Balance Luzon ay tumutukoy sa main northern region, maliban sa capital.