Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
KathNiel La Luna Sangre LLS

La Luna Sangre, may web series na

 

DAHIL sa tagumpay ng La Luna Sangre at laging pinag-uusapan sa social media kaya laging nagte-trending, naglunsad ang creative manager ng Star Creatives na si Ays de Guzman ng web series na pinangalanang Youtopia, isang streaming platform na mapapanood sa iWanTV simula noong Huwebes.

Sabi ni Ays, “naisip kasi naming parang ang ganda, paano naapektuhan ‘yung small communities sa plano ni Sandrino to take over and build a vampire army.

“What we did is IWanTV produced this micro-series, five to eight minutes that would take us to paano naapektuhan ‘yung small-communities niyong ginagawa ni Sandrino sa teleserye.

“The story of Youtopia is there’s this seven friends, ‘tapos three of those, nawala sila for six months. Then when they came back, medyo iba na ‘yung ikinikilos nila.

“’Tapos the other friends, sila Axel (Torres), Kate (Alejandrino), Mary Joy (Apostol), Gabby (Padilla), Jal (Galang) at Larissa (Alivio), tina-try nilang imbestigahan bakit nagkaganito ‘yung mga kaibigan natin. ‘Tapos they found out that they’re vampires and they’re trying to turn the entire village into Sandrino’s vampire army.”

Kailangan ba talagang may web series?

“We wanted kasi for it to be immersive. Gusto sana namin, fans would really think na, ‘Sino itong mga taong ito, totoong tao silang nandito?’ So, yes, it was a conscious effort to do that for this project para ‘yung immersive experience ng fans, mas enjoyable para sa kanila,” paliwanag ng isa sa think tank ng Star Creatives.

Sa tanong kung mapapanood ang Youtopia members sa La Luna Sangre?

“Right now po, may journey sila muna na kailangang tapusin within the story ‘tapos after po niyon, we will try and push it to happen,” sagot nito.

Ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Axel Torres ang gumaganap na lider sa Youtopia na umaming gustong makasama sina Daniel Bernardo at Kathryn Bernardo.

“Well, siyempre, gusto naming makapasok sa mismong teleserye kasi part na rin ito, connected din naman sila. Okay lang ‘yung web series pero gusto rin naming makasali roon sa mismong show,” say ng binata.

Ang gustong karakter ni Axel, “gusto ko maging lobo. Gusto ko laging ano, eh, ‘yung naka-topless lang ‘pag nag-transform. Comfy lang ‘yung suot.”

Halos lahat ng miyembro ng Youtopia ay gustong maging lobo at iilan lang ang gustong maging bampira dahil hindi tumatanda ang hitsura dahil umiinom sila ng fresh blood.

Base naman sa ilang millennials na napagtanungan namin tungkol sa web series, gustong-gusto nila dahil makakapag-interact na sila sa La Luna Sangre at siyempre makakausap nila sina Malia at Tristan.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …