MAHIGIT isang milyon Filipino na ang nabawas sa bilang ng mga naninigarilyo sa bansa mula noong 2009 hanggang 2015, ayon sa Department of Health (DoH).
Ayon sa ulat, pinuri ng World Health Organization (WHO) ang Filipinas dahil sa mga hakbang nito kontra pagsisigarilyo.
Naniniwala ang mga taga-pagtaguyod ng tobacco control, na marami pang puwedeng gawin upang tuluyang itigil ng mga Filipino ang paninigarilyo.