Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Female personality, nagsusuot din ng wig para ‘di makilala sa pagka-casino

BUKOD sa shades na mahihiya ang mata ng tutubing kalabaw ay nagsusuot din pala ng wig ang isang female personality para mag-disguise sa tuwing laman siya ng casino.

Tsika ng aming source na kadalasa’y nakakasabay pa nito sa paglalaro sa slot machine, “’Di ba, naispluk ko na sa ‘yo na sa VIP area siya pumapasok sa tuwing pipindot siya? At ‘di ba, naitsika ko na rin sa ‘yo na para hindi siya mamukhaan, eh, nagsusuot siya ng shades hitsurang hindi naman tirik na tirik ang araw with matching malalapad na balabal para takpan ang kanyang fez? ‘Day, ito na ang da height…mantakin mong may-I-wear din siya ng mga wig na iba’t iba ang kulay for her total transformation…for her total transformation daw, o!”

Hitsura raw sa personalidad na ‘yon ang isang ramp model na inirarampa ang iba’t ibang hairpiece. “’Kaloka siya, ‘Day! Teka, may parlor kaya ang hitad sa rami ng mga pelukang halinhinan niyang isinusuot sa pagpunta-punta niya sa casino?”

Da who ang female personality na itey na hinding-hindi mauubusan ng paraan lang masunod ang kanyang bisyong pagsusugal ng bonggang-bongga? Itago na lang natin siya sa alyas na Shirley Casimiro.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …