MAGANDANG paagkakataon kay Jeric Raval ang mapasama sa programang ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin dahil napuna siya ni Direk Toto Natividad na puwede pang mag-comeback sa pelikula.
Kaya naman kinuha niya si Jeric para sa importanteng papel sa Double Barrel kasama sina AJ Muhlac at Phoebe Walker.
Marami ang nagtatanong kung bakit mukha pa ring bagets si Jeric gayung ang mga kasabayan niya noon ay halata na ang pagtanda?
Ayon kay Jeric, hindi siya umiinom at naninigarilyo at lalong hindi nagpupuyat. Ayaw din nito ang nightlife.
Ani Jeric, hangga’t may offer na maganda sa kanya ay mananatili siya sa showbiz.
SHOWBIG – Vir Gonzales