Sunday , December 22 2024

Huwag mag ilusyon

HINDI dapat mag-ilusyon ang taong bayan na mananatiling kritikal ang Philippine Daily Inquirer sa pamamahayag nito kaugnay sa mga kasalukuyang kaganapan ngayong mukhang mabibili na ni Ramon Ang, pangulo ng San Miguel Corporation at ika-16 sa pinakamayamang negosyante sa bansa, ang pamosong pahayagan mula sa pamilya Prieto.

Tiyak na magkakaroon ng mga pagbabago sa pahayagan, lalo na at kilala si Ang na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na kritikal ang mga ulat ng PDI kaugnay sa malaganap na extrajudicial killings sa panahong ito ng administrasyong Duterte. Galit dito ang Pangulo dahil aminin man o hindi ng mga nasa poder ay nasasaktan sila sa mga lumalabas na matatalas na balita sa PDI.

Pero kung makokompleto na ang pagbili ni Ang sa PDI mula sa pamilya Prieto ay tanga na lamang ang mag- iisip na magiging palagiang kritikal pa rin ang pahayagang Inquirer laban sa mga kasalukuyang nasa poder.

Unang sumikat ang PDI dahil sa paglaban nito sa diktadurang Marcos at pagsisiwalat ng mga kabuktutan ng mga opisyal ng pamahalaan mula sa panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino hanggang sa kasalukyan.

Totoong hindi perpekto ang PDI pero hindi maitatanggi na kompara sa karamihan ng mga kasabayan nito sa industriya ay masasabing medyo parehas at matalas ang pahayagan.

Bagama’t ayaw nating pag-isipan na mababawasan ang hanay ng malayang media ng isang tulad ng PDI ay dapat nating maunawaan na ito ay resulta ng komersyalisasyon ng isang bokasyon na tulad ng pamamahayag.

***

May palagay akong tama ang pananaw ni Walden Bello sa usapin ng pagbebenta sa PDI ng pamilya Prieto kay Ang. Hayaan ninyo akong ilagay dito ang kanyang sinabi.

“Threatened by Duterte, the Prietos will sell the Inquirer to Duterte ally Ramon Ang. People who think this is not the end of the independent-minded, crusading Inquirer are fooling themselves. The marriage of authoritarian rule and monopoly capital is not new. The Nazis and German capital had a very productive relationship, and Duterte, Ang, and Pangilinan, who owns the Star, are also likely to have one hell of a partnership. Duterte fancies himself a “socialist.” Now we know what he had in mind was something akin to national socialism.”

***

May bagong grupo ng kabataang Pinoy na mananayaw na nasa Los Angeles, USA para tangkain na sungkitin ang gintong medalya sa isang pandaigdigang patimpalak sa sayawan. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *