Tuesday , December 24 2024

43 foreigners arestado ng anti-kidnap group (Casino high rollers dinudukot)

 

INARESTO ng mga awtoridad ang 43 dayuhan na miyembro ng loan shark syndicate at pumupuntirya ng high rollers.

Nitong Huwebes, iniharap sa media ni Philippine National Police chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mga suspek, karamihan ay Chinese nationals, sa press conference sa Camp Crame.

Ang mga suspek, kabilang ang 41 Chinese at dalawang Malaysians, ay inaresto nitong 18 Hulyo makaraan sagipin ng PNP-Anti-Kidnapping Group ang biktimang si Wu Yan, 48, isang Singaporean national.

Ang lider ng sindikato, isa ring Chinese national, ay tinutugis ng mga awtoridad.

“At large pa, isa,” ayon kay PNP-AKG director Chief Supt. Glenn Dumlao nang itanong kung nasaan ang lider ng nasabing sindikato.

Tumangging magbi-gay ng karagdagang detalye si Dumlao, ngunit kalaunan ay ipinakita ang diagram sa media at kinilala ang lider ng sindikato na si Chen DeQin.

Sa imbestigasyon, noong 17 Hulyo, ang biktima ay naglalaro sa Solaire Resorts and Casino sa Pasay City, dalawang Malaysian nationals, kinilalang sina Ng Yu Meng at Goh Kok Keong ang kinaibigan si Wu at pagkaraan ay inimbitang maglaro sa kalapit na casino resort.

Dakong 9:45 pm sumakay sila sa taxi ngunit imbes dumiretso sa casino resort, dinala ang biktima sa isang condominum sa Parañaque City.

Ang biktima ay ikinulong at inutusang magbayad ng $180,000 kapalit ng kanyang kalayaan.

Nang sumunod na araw, isinagawa ng PNP-AKG, Bureau of Immigration, at Parañaque police ang rescue operation, nagresulta sa pagkakasagip sa biktima.

Sinabi ni Dumlao, hindi ito ang unang kaso na kanilang hinawakan. Aniya, nitong Hulyo, sinagip nila ang isang Chinese national na dinukot ng ibang grupo.

“Nag-start noong June dahil sa rampant report about kidnapping and serious illegal detention sa players sa casino. We already conducted operations and rescued victim Wang Yan, who was held by separate cell, na-rescue natin ‘yun at na-release last June 2,” aniya.

 

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *