Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kinita ng show ni ToKen Lizares, idinonate

 

NOONG July 9, Linggo ay naibigay na ng Charity Diva na si Token Lizares sa isang bed-ridden showbiz writer na si Richard Pinlac ang kinita ng kanyang charity show, ang Reunited na ginanap sa RJ Bistro Bar noong July 1.

Pinuntahan namin si Richard sa kanilang tahanan sa Bacoor, Cavite at sa unang kita nito sa ami ay humagulgol na ito ng iyak.

Kahit hirap sa pagsasalita ng ‘Thank you’ ay sobra ang ngiti ni Richard sa kaligayahang ibinigay ng Charity Diva,

At dahil sa tuwa, napakanta pa ito ng Dahil Sa’Yo ni Ruben Tagalog.

Sa ngayon, medyo bumubuti na ang kalagayan ni Richard dahil naigagalaw na ang kaliwang braso. Nakakaupo na rin ito sa kanyang wheelchair at nakakain sa mesa. Nakakapanood na rin ng palabas sa TV at hindi na pahirapan ang nagpapaligo sa kanya. Ang medyo masaklap lamang, biktima rin ng stroke ang kanyang ama at 10 taon na itong iniinda ang karamdaman. Kompara kay Richard, nakakaupo na ang kanyang ama sa bangko at maayos makipag-usap.

Maliban kay Ms Token, si Mercy Lejarde at ang inyong lingkod kasama si Ms. Tere ay masaya naming nilisan ang tahanan ng mga Pinlac at umaasang makababalik sa madaling panahon.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …