Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Infinity Boyz, umiyak sa kanilang concert

 

EMOSYONAL ang bawat miyembro ng Infinity Boyz habang inaawit ang God Gave Me You na ini-revive at pinasikat ni Alden Richards. Tuluyan pa silang naiyak nang tawagin ang manager nilang si MK Jornacion sa stage.

Hindi nga napigilan ng buong grupo na maiyak dahil sa sobrang kasiyahan sa rami ng taong dumating sa kanilang first mini-concert at sa 100% plus na suporta ng kanilang manager na naiyak na rin sa naging mensahe sa kanya ng grupo.

Mensahe ni RJ (lider ng grupo), “Sobrang saya namin dahil nakita namin ang sobra-sobrang pagmamahal niyo sa Infinity Boyz, dumating kayong lahat.

“Nagpapasalamat din kami sa mga taong walang sawang sumusuporta sa amin, kay Nanay MK na halos ‘di na natutulog para lang suportahan at asikasuhin kami. Nay salamat sa pagmamahal.

“Salamat din kay Tito John (Janna Chcu Chu) at Kuya Tuti (James Aban) ng DZBB 594 dahil sa tiwala at suporta sa amin.

“Salamat din sa mga masisipag naming admin na laging nariyan para sa amin, mahal namin kayong lahat.”

Mensahe naman ni MK habang patuloy na umiiyak, “Salamat sa bawat ng miyembro ng Infinity Boyz dahil naniwala kayo sa akin lalaban tayo dahil alam naman natin na marami ang namba-bash sa atin.

“Salamat sa fans, admin, kay Tito John, at Kuya Tuti sa pagmamahal at sa adviser naming si Ms. Anne (Malig Dizon).”

Made na nga ang grupo kung pagbabasehan ang dami ng tao na nanood ng kanilang konsiyerto sa Starmall Edsa/Shaw.

Ang concert ng Infinity Boyz ay hatid ng Ysa Skin and Body Experts, New Placenta, RME Salon, Mogu Mogu Manila, at My Phone.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …