RUMEKTA ang Gilas Pilipinas sa ikatlong sunod na panalo matapos idispatsa ang Japan, 100-85 sa umiinit na 39thWilliam Jones Cup kahapon sa Taipei Heping Gymnasium sa Taiwan.
Tabla sa 66 papasok ng huling kanto, rumatsada ang Gilas sa pambihirang 34-19 panapos na bomba upang iangat ang kanilang kartada sa 3-1 matapos ang katangi-tanging pagkatalo sa Canada sa unang laban.
Naiwan sa 73-72 ang Gilas bago sumakay sa 14-1 atake para sa komportableng 86-74 kalamangan na pinanghawakan ng mga Pinoy hanggang sa pagtunog ng silbato.
Nanguna para sa Filipinas ang Filipino-German na si Christian Standhardinger sa kanyang halimaw na 22 puntos at 15 rebounds habang nagliyab muli sa huling kanto si Matthew Wright sa kanyang 15 puntos. Nag-ambag ng tig-11 puntos ang backcourt tandem na sina Kiefer Ravena at Jio Jalalon.
Nahirapan sa simula nang hayaang lumamang ang Japan , 42-41 papasok ng halftime, dinikdik ng Gilas sa rebounding ang kalaban, 49-35 at nagtapon ng bola sa 9 beses, taliwas sa mga unang laban nila sa dami ng turnovers.
Kumayod ng 17 puntos at 17 rebounds ang Gilas na nauna nang tinalo ang parehong Team A at Team ng Chinese Taipei.
Makasasagupa ng Gilas ngayon ang Korea sa ganap na 5:00 pm. (JBU)