Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

PSG rider pisak (Lumusot sa truck)

PATAY ang isang pulis na nakatalaga sa Presidential Security Group (PSG), makaraan pumailalim sa isang 10- wheeler truck nang bumangga lulan ng kanyang minamanehong motorsiklo sa Paz Guanzon Street, Paco, Maynila, kahapon ng hapon.

Kinilala ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit ang biktimang si SPO1 Emmnauel de Jesus, 54-anyos.

Ayon sa ulat ng pulisya, pasado 2:00 pm habang binabagstas ng biktima ang nasabing lugar mula sa Nagtahan bridge papasok sa Malacañang park, nang mabundol siya ng truck (PJT-876) na minamaneho ni Philip Nino Saralde, 36, ng 1003-A Domingo St., Sampaloc, Maynila.

Pumailalim ang motorsiklo sa truck at nagulungan ang biktima. Isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead-on- arrival.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang suspek na si Saralde, na nakatakdang kasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide. (BRIAN GEM BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …