INARESTO ang isang pasyente kasama ang kanyang asawa at isang bisita makaraan mahulihan ng shabu sa isang ospital sa Iriga City, Camarines Sur, kamakalawa.
Kinilala ang mga i-naresto na sina Jose Sumayao Jr., asawa ni-yang si Melinda, at bisitang si Bernard Botor.
Ayon sa Iriga police, nahuli ng mga security guard ng isang pribadong ospital ang tatlong suspek.
Napag-alaman, si-nita ang tatlong suspek ng mga guwardiya ng ospital dahil lagpas na sa oras nang pagbisita sa pasyente.
Nang paalis na, inagaw ni Melinda mula kay Botor ang isang itim na sombrero. Nahulog mula sa sombrero ang isang plastic sachet.
Agad tumawag ng mga pulis ang mga guwardiya nang mabistong shabu ang laman ng plastic sachet.
Nang inspeksyonin ng mga pulis ang kuwarto, may nakuhang ilang sachet ng shabu sa kumot ng pasyente, at sa kanyang hospital bed. May nakita ring droga sa upuan at sahig sa natu-rang kuwarto.
Agad dinala sa pre-sinto sina Melinda at Botor habang si Sumayao ay isinailalim sa hospital arrest.
Hinala ng pulisya, mismong sa naturang kuwarto ng ospital bu-mabatak ang tatlo at iba pang mga bisita ni Sumayao.
Sinabi ng iba pang staff ng ospital, kung sino-sino ang duma-dalaw kay Sumayao bawat oras simula nang ma-confine sa nasabing pagamutan.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa mga suspek.