Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Letran, umiskor ng unang panalo (San Beda, bumalikwas)

 

KAAGAD nakabalik sa dating bangis at angas ang San Beda Red Lions nang lapain ang College of St. Benilde Blazers habang nakaiskor sa wakas ng unang panalo ang Letran Knights kontra Emilio Aguinaldo College Generals, 83-80 sa umaatikabong NCAA Season 93 kahapon sa San Juan.

Kagagaling sa mapait na pagkatalo kontra Lyceum noong nakaraang linggo, ibinuhos ng Red Lions sa Blazers ang kanilang buong ngitngit nang umabot pa ang tambak hanggang 29 puntos tungo sa 2-1 kartada sa likod ng lider na Pirates (2-0).

Binanderahan ni Javee Mocon ang balanseng atake ng Red Lions sa kanyang 12 puntos, 8 rebounds at 5 assists habang may tig-9 na puntos sina Robert Bolick at AC Soberano. May 11 rebounds at 6 na assists din si Bolick.

Samantala, tanging si Clement Leutcheu ang nakapagpakitang-gilas sa 10 puntos at 5 rebounds para sa Blazers na nahulog sa 1-2 kartada.

Samantala sa unang laro, binura ng Letran ang maagang 16 puntos na pagkakaiwan kontra sa Emilio Aguinaldo College para itarak ang kanilang unang panalo sa torneo.

Kumamada ng 15 puntos si Jeo Ambohot habang kumana ng tig-14 puntos sina Bong Quinto, Jeremiah Taladua at Rey Nambatac para sa Letran na umangat sa 1-1.

Nauwi sa wala ang 22 puntos ni Francis Munsayac gayondin ang halimaw na 20 puntos at 18 rebounds ni Sydney Onwubere para sa EAC na dumulas sa 1-1 ding marka. (JBU)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …