Saturday , November 16 2024

Testimonya ni Noynoy ‘magsasara’ sa Mamasapano case — Gordon

 

ANG testimonya ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa 2015 Mamasapano incident ang “magsasara” sa kaso, pahayag ni Senador Richard Gordon kahapon.

“It [was] intimidating to investigate the President [before]. Unang una, hindi mo matawag eh. Hindi naman pupunta ‘yung Presidente kaya mahirap, kaya kulang, kapos,” ayon kay Gordon, chairman ng blue ribbon at justice and human rights committees.

“Kailangan may closure. Ang mahirap kasi we’re all po-liticians here, depende sa politiko [if they want to reopen the probe], kung may will, kung may paninidigan,” aniya.

Sinabi ni Gordon, ito ang tugon niya sa tanong ng kanyang mga kapwa senador kung ano ang kanyang layunin sa plano niyang muling pagbubukas sa Mamasapano investigation.

Nauna rito, ipinunto nina Senadora Grace Poe at Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, nagkaroon na ng extensive discussion hinggil sa isyu sa nakaraang Kongreso.

Magugunitang sinabi ni Gordon, nais niyang imbitahin si Aquino, idiniing dapat magpakalalaki ang dating pangulo sa pagharap sa kahihinatnan ng nasabing isyu.

Sinabi ni Gordon, wala pang definite schedule kung kailan muling bubuksan ang imbestigasyon, ngunit nagsimula na sa pagsasaliksik ang kanyang staff hinggil sa isyu.

“You’re already assuming I’m going to investigate, not yet. I’m still planning, I’m still stud-ying,” pahayag niya sa mga mamamahayag.

“Maraming tanong na dapat sagutin. Are those valid questions? I think so. It’s not personal, believe me, it’s not easy to do this. Kaya lang siyempre ang media mahilig magsabi — tatanungin ka palagi,” dagdag ni Gordon.

 

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *