ITINALAGA bilang Officer-In-Charge Director si Rey Raagas ng Bureau of Correction (BuCor) kapalit nang nagbitiw sa tungkulin na si General Benjamin de los Santos.
Si Raagas, dating administrative division head ng BuCor, ay pansamantalang uupo sa layuning hindi mabalam ang ope-rasyon, habang wala pang nahihirang na bagong pinuno sa pambansang piitan.
Nauna rito, kumalat ang balitang nanumbalik ang illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP) sa ilalim ng pamumuno ni Delos Santos.
Ayon sa ibinulgar ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, ginagamit ng sindikato sa droga sa loob ng piitan, ang ilang miyembro ng Special Action Force (SAF).
Ito ang naging dahilan nang pagbibitiw sa puwesto ni Delos Santos.
Sinasabing minsan nang inirekomenda ni Aguirre kay Pangulong Rodrigo Duterte si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Dionisio Santiago, ngayon ay pinuno ng Dangerous Drugs Board (DDB), para pamunuan ang naturang kawanihan.
(JAJA GARCIA)