Sunday , April 13 2025

P100-M suhol sa solons pangwasak sa Marcos (Pagpapakulong kay Imee)

 

SUPER desperado talaga ang grupong dilawan matapos magbigay ng suhol na P100 milyon sa ilang kasapi ng Kamara de Representantes upang wasakin ang pamilya Marcos.

Ibinunyag ito ni Ilocos Norte Imee Marcos sa mga reporter sa Quezon City kasabay ng pagbanggit niya sa planong tuluyang pagpapakulong sa kanya sa bilangguan ng Kamara at ang paninira at panghaharang sa protesta ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Bise-Presidente Ma. Leonora “Leni” Robredo na sinisimulan nang bilangin ng Korte Suprema.

Ayon kay Marcos, kongresista mula sa Mindanao ang mismong nagsabi sa kanya na nagbigay ng P100 milyon ang Liberal Party sa mga kongresista, kabilang na si Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas.

“Obvious naman na may kamay dito ang grupo ng dilawan. Gusto nila akong makulong. Timing naman na ang protesta ng kapatid kong si Bongbong ay dinidinig na sa Korte Suprema,” diin ni Imee.

Ayon sa gobernadora, ang pangunahing layunin ng P100 milyon ng grupong dilawan ay una, makulong siya sa Kamara (kaugnay ng P66.45 milyong pondo na ipinambili ng mga sasakyan para sa tobacco farmers noong 2011 at 2012); pangalawa, huwag paupuin si Bongbong bilang presidente ng bansa kasunod ng kanyang napipintong panalo sa protesta at sakaling hindi na makagampan ng tungkulin si Presidente Rodrigo Duterte dahil sa pinaniniwalaang malalang sakit; at pangatlo ay ilaban ang pinaniniwalaan ng LP na panalo ni Robredo dahil napakalaki ng takot ng grupong dilawan na matanggal bilang pangalawang pangulo si Robredo kasunod ng pagsisimula ng pagbibilang ng Korte Suprema sa mga boto ni Bongbong.

Matatandaang nagpasya ang mataas na korte na bilangin ang mga hindi nabilang na boto ni Bongbong noong eleksiyong 2016 makaraang makombinsi ang Presidential Eelectoral Tribunal (PET) sa kawastohan at katanggap-tanggap na protesta ni Bongbong.

Si Fariñas na pangunahing may gustong makulong si Imee ay dating opisyal ng LP at malapit kay dating pangulong Noynoy Aquino.

Sabi ni Imee, “Sana tigilan na ang panggigipit sa amin. Itigil na ni Fariñas ang desperado niyang ginagawa para lamang ako ipakulong sa ngalan ng pamomolitika.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *