SANIB PUWERSANG itinindig ng Kilusang Mayo Uno (KMU-CA-RAGA) at Liga ng Manggagawa para sa Regular na Hanapbuhay (LIGA-Southern Tagalog) ang kanilang piketlayn sa harap ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa kanto ng Muralla at Gen. Luna streets, sa Intramuros, Maynila u-pang palakasin ang kanilang protesta sa pagbalewala ng kalihim ng paggawa sa mga isyung kanilang kinakaharap.
Mahigit sa 250-katao mula sa CARAGA at Southern Tagalog ang nakiisa sa protesta laban sa kontraktwa-lisasyon, malawakang tanggalan sa trabaho at union busting na anila’y nagsimula noong 10 Hulyo. Nanawagan ang mga manggagawa ng Southern Tagalog kay Labor Secretary Silvestre Bello III na mayroong 24,000 manggagawa na idineklara nilang regular, ngunit hindi tumutugon at sumusunod sa batas paggawa ang ilang mga dambuhalang korporas-yon katulad ng mga kompanyang Tanduay, MCC-MSI, SIDC, Alaska, Technol-Eight, Sun Logistics, Takata, Nexperia, Honda parts, RAM Foods, Yazaki-Calamba, Coca-Cola Sta. Rosa at Proctor &Gamble.
Iginiit ng Liga-ST na karamihan sa mga pagawaan ay matatagpuan sa Southern Luzon kaya’t marapat lamang na wakasan ang kontrak-twalisasyon at gawing regular ang mga manggagawa upang makamit ang nararapat na bene-pisyo at mataas na pasahod. Ayon sa KMU, lumalala ang tanggalan sa trabaho at union busting sa CARAGA, patunay na hindi komporme ang mga kapitalista sa isinusulong ng mga unyonista.
Laganap din ang union busting o pagbuwag sa mga unyon ng mga manggagawa sa mga kompanya na mayroon pang natitirang re-gular na mga manggagawa katapat ng mga kontraktuwal.
Idiniin nilang hindi totoo na ibinasura ng DOLE ang Department Order (DO) 174-2017 na pinirmahan ni Bello nitong 16 Marso na pinapayagan ang mga prinisipal na employer na kumuha ng mga manggagawa mula sa agency o kontratista para ‘pagaanin’ ang res-ponsibilidad at obligas-yon ng mga kompanya sa mga manggagawa.
Tinawag nilang ‘dirty order’ ang DO 174-2017 ni Bello na anila’y mas masahol pa sa DO ng mga nagdaang administrasyon.
Naghihimutok na tanong ng mga manggagawa, “Nasaan ang pangako ni Digong sa kanyang kampanya na wawakasan ang kontraktuwalisasyon gayong ang DO 174 na inilabas ng DOLE ay tahasang lumalabag sa karapatan ng mga manggagawa sa ila-lim ng Artikulo 280 ng Batas Paggawa — “kung ang ginagampanan ng manggagawa sa pagawaan ay kailangan at mainam, sila ay dapat gawing regular at dapat makatanggap ng bene-pisyo at sapat na sahod.”
Batay sa pahayag ni Bello na ang kapangyarihan na wakasan ang kontraktwalisasyon ay tanging nasa Kongreso at wala sa DOLE kaya kakalampagin umano ng mga manggagawa ang Mendiola sa darating na Miyerkoles, 19 Hulyo.
Nakatakdang sagutin ni Bello, ngayong araw ang mga reklamo ng mga manggagawa.
(RONALINE AVACILLA)