Saturday , November 16 2024
dead gun

Erpat nagbaril sa ulo

 

HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 40-anyos padre de familia makaraan magbaril sa ulo sa kanyang silid sa Felix Huertas St., Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat na nakarating kay Manila Police District (MPD) Station 3 commander, Supt. Arnold Tom Ibay, kinilala ang biktimang si Rodrigo Manti, 70, residente sa F. Huertas St., Brgy. 322, Zone 32, Sta. Cruz.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 9:50 pm nang marinig ng anak ng biktima na si Kristy Manti, ang isang putok ng baril mula sa loob ng silid ng ama.

Agad tinungo ni Kristy ang silid ng biktima at tumambad sa kanya ang duguan at nakahandusay na ama.

Isinugod ang biktima sa Metropolitan Medical Center ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Hindi pa mabatid ng pulisya ang motibo sa pagpapakamatay ng biktima dahil ayaw makipagtulu-ngan ng pamilya.

(BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *