UMAABOT sa mahigit 27,000 katao ang nananatili sa evacuation centers at iba pang lugar na pansamantalang matu-tuluyan kasunod ng magnitude 6.5 quake na tumama sa Leyte sa Eastern Visayas nitong 6 Hulyo.
Sa impormasyon mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), 12,000 katao (2,600 pamilya) ang nasa 19 evacuation centers sa Region 8, karamihan ay nasa Leyte province.
Samantala, kabuuang 9,626 katao ang nanunuluyan sa bahay ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan, dagdag sa ulat.
Sinabi ng DSWD, 23 barangays sa Eastern Visayas ang matinding naapektohan ng malakas na lindol.
Patuloy ang relief operations at ipinamamahagi ang P8 milyon halaga ng food packs at iba pang relief goods sa mga bakwit.