IPATUTUPAD sa 22 Hulyo at hindi ngayong araw, 15 Hulyo, ang utos na pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa buong bansa, paglilinaw ng Department of Health (DoH).
Ayon kay DoH Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, noong 23 Mayo inilabas sa mga pahayagan ang tungkol sa Exe-cutive Order 26 o ang Nationwide Smoking Ban at aniya, kailangang maipatupad ito makalipas ang 60 araw, na papatak sa 22 Hulyo.
“Una, kung pagbabasehan natin ‘yung May 16, petsa na nilagdaan ng ating Pangulo, bukas (ito ipapatupad); ngunit doon sa executive order, 60 days after ng publication sa isang major daily,” ani Tayag.
“Nang i-check namin, nai-publish sa Manila Bulletin noong May 23. Pag nagkaganoon, sa isang Sabado pa ii-implement, pero puwede na silang mag-practice,” dagdag niya, at sinabing maglalabas pa sila ng kla-ripikasyon ukol dito.
Nauna nang sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial, hindi na kailangan ng implementing rules and regulations (IRR) para maipatupad ang Executive Order No. 26.
Payo ng Department of Health sa mga estab-lisyemento, magsimula nang maglagay ng mga karatulang “no smoking” para hindi magbayad ng multa.
Habang depende sa ordinansa na ipinatutupad sa isang siyudad o bayan ang babayarang multa kapag lumabag.
Sa ilalim ng kautusan, mahigpit na ipinagbabawal ang paninigaril-yo sa lahat ng pampublikong lugar, at maaari lang manigarilyo sa mga itinakdang mga lugar.