Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis sa masaker ginahasa ni Miling (Batay sa DNA test)

 

KINOMPIRMA ng mga imbestigador, ginahasa ng massacre suspect na si Carmelino “Miling” Ibañes ang isa sa limang biktima sa Bulacan, at hindi siya nag-iisa sa isinagawang krimen.

“Based on findings of forensic exams, talagang si Miling, talagang na-consummate niya ang pag-rape kay Estrella [Dizon],” ayon kay Bulacan provincial police director, Sr. Supt. Romeo Caramat III, sa press conference sa Camp Olivas sa Pam-panga.

Bukod sa 28-anyos na si Estrella, kabilang din sa pinatay sa insidente ang kanyang 58-anyos ina na si Auring Dizon, at tatlong mga anak na sina Donnie, 11; Ella, 7; at Dexter, Jr., 1.

Sinabi ni Caramat, ang DNA sample sa va-ginal swab na kinuha mula kay Estrella ay tumugma sa DNA sample na kinuha mula kay Ibañes.

Habang kay Auring, walang nakuha sa kanya na DNA mula sa ibang tao, kaya naniniwala ang pulisya na walang naganap na penetration.

Gayonman, inilinaw ni Caramat, “It is not penetration alone that will dictate na mayroon rape. Nakita naman po natin ang victims, nakahubad sila. Even the touching of labia or some parts of vagina can be considered rape.”

Samantala, sinabi ni Supt. Fitz Macariola, San Jose Del Monte City police chief, ang DNA profiles ng persons of interest (POIs) sa masaker ay hindi natagpuan sa crime scene.

“But it does not exclude them [from becoming suspects just because of] the result of the DNA [test] alone,” ayon kay Macariola.

Kaugnay nito, sinabi ni Caramat, ayon sa laboratory techicians, apat sa limang biktima ay pinatay gamit ang iisang kutsilyo, habang ang panlimang biktima, si Donnie, ay sinaksak gamit ang ibang kutsilyo.

“Meaning to say, two or more ang nag-perpetrate ng krimen dahil ang na-recover na knife, apat lang po na DNA profile ang nag-match. Nag-negative doon sa isang victim na 11 years old, si Donnie. Meaning to say, ibang knife ang ginamit kay Donnie,” aniya.

Nang itanong kung bakit naniniwala ang pu-lisya na mayroon pang ibang suspek bagama’t tanging DNA ni Ibañes ang natagpuan sa crime scene, sinabi ni Macariola, “They’re contact with the victims is not really intense na sila ay magalusan… so that the DNA profile of that person can be taken from the victim.”

Si Ibañes, 26, ay ina-resto kamakailan at umamin sa krimen, sina-bing siya ay lango sa droga at alcohol nang isagawa ang pagpatay.

Gayonman, negatibo siya sa drug test. Sa simula, inamin niyang ginahasa niya sina Auring at Estrella bago sila pinagsasaksak hanggang mamatay.

Ngunit binawi ang rape admission sa kanyang extrajudicial confession.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …