Saturday , November 16 2024

Katotohanan hostage ni Imee — Solon

HINDI ang “Ilocos 6” na tinawag na “Six Amnesiacs” ni Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy, ang hostage sa kontrobersiyal na imbestigasyon ng Kamara sa pagbili ng 115 sasakyang nagkakahalaga ng P66.4 milyon gamit ang pondong dapat ay napunta sa mga magsasaka ng tabako sa Ilocos Norte kundi ang katotohanan.

Sagot ito ni Herrera-Dy sa patutsada ni Marcos na ang patuloy na pagkulong sa “Ilocos 6” na binansagan ng mambabatas na “Six Amnesiacs” sa loob ng Ba-tasan complex ay nagmistulang “hostage crisis.”

Ang anim na emple-yado ay nakapiit pa rin sa Batasan hanggang ngayon.

Magugunitang ang anim na empleyado ng Ilocos Norte government ay pinatawan ng contempt ng good government committee sa pamumuno ni Rep. Johnny Pimentel dahil sabay-sabay umanong nagkaroon ng ‘collective amnesia’ at tumangging sumagot sa mga tanong ng mga mambabatas sa imbestigasyon patungkol sa mga sasakyang binili ng Ilocos Norte provincial government.

Ayon kay Herrera-Dy, matagal nang itinatago ni Gov. Imee Marcos, sa kanyang mga palusot at pa-tuloy na hindi pagsipot sa pagdinig ng Kamara hinggil sa mga kuwestiyo-nableng transaksiyon ng kanyang opisina sa pagbili ng kontrobersiyal na 115 sasakyan.

“Tanging ang magi-ging testimoniya ni Gov. Marcos sa komite ang makapagbibigay-linaw sa naturang isyu,” ani Herrera-Dy.

“Matagal nang iniho-hostage ni Gov. Imee ang katotohanan, dahil hanggang ngayon, hindi pa rin makuha ang kanyang kooperasyon para maliwanagan ang lahat kung ano ba talaga ang nangyari sa kuwestiyonableng pagbili ng 115 sasakyan, sa ilalim ng kaniyang pamumuno, gamit ang pondong dapat sana ay para sa kapakinabangan ng mga tobacco farmers,” diin ni Herrera-Dy.

Ayon kay Marcos, ang dapat na trabaho ng Kongreso ay gumawa ng batas at hindi mag-im-bestiga para mamolitika.

Sumang-ayon si Herrera-Dy na trabaho ng Kongreso ang paggawa ng batas, ngunit sinabing trabaho rin nilang tiyakin na naipapatupad ang mga batas na iniakda nila.

Kaya umano iniim-bestigahan ng good go-vernment committee ni Pimentel ang kuwestiyo-nableng pagbili ng mga sasakyan gamit ang cash advance mula sa kolek-siyon ng buwis sa mga Virginia-type cigarettes, na lumalabag sa probis-yon ng Republic Act 7171.

“Ang trabaho ng Kongreso ay hindi nagtatapos sa paggawa at pagpasa ng batas. Dapat rin na-ming tiyakin na ito ay maayos na naipapatupad. Hindi naman puwedeng wala kaming gagawin kung harap-harapan nang nilalabag ang mga batas natin,” ayon kay Herrera-Dy.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng komite ni Pimentel ang paggamit ng cash advance ng probinsiya para makabili ng 40 multicabs na nagkakaha-laga ng P18.6 milyon, limang segunda manong bus sa presyong P15.3 milyon at 70 minitrucks na may price tag na P32.5 milyon noong 2011 at 2012 nang hindi dumaraan sa public bidding.

Ang anim na emple-yado ay sina Josephine Calajate, provincial treasurer; Encarnacion Gaor at Genedine Jambaro, mga staff sa Provincial Treasurer’s Office; Evangeline Tabulog, provincial budget officer; Eden Battulayan, OIC-accountant; at Pedro Agcaoili, ang chairman ng Bids and Awards Committee at namamahala sa Provincial Planning and Deve-lopment Office.

Sa pahayag na ipinadala ng Provincial Go-vernment of Ilocos Norte, sinabi umano ni Marcos na, “Walang ghost project, kasama ko si Fariñas sa distribution.”

Hinamon din ni Marcos si Fariñas magharap sila sa Commission on Audit (COA) para sa cuentas claras.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *