INIUTOS ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa kanyang naging bahagi sa anti-terrorist operation na humantong sa masa-ker sa 44 police commandos sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.
Si Aquino ay kakasuhan ng usurpation of authority sa ilalim ng Article 177 ng Revised Penal Code at paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Kapwa akusado ni Aquino sa nasabing kaso sina dating Philippine National Police chief Alan Purisima at dating SAF Director Getulio Napeñas.