ITINALAGA si Supt. Marvin Marcos, ang suspendidong police official na isinangkot sa pagpaslang kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, bilang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group-SOCCKSARGEN.
Kinompirma ni Supt. Cedric Train ng Region 12 police, ang pagkakatalaga kay Marcos, sinabing natanggap na niya ang order. Aniya, ang appointment ni Marcos ay epektibo noong 11 Hulyo.
“Siya na daw po pero wala po siya dito. [Nasa Camp] Crame pa po,” pahayag ni Train nitong Huwebes. “Balita na po may order na daw po siya.”
Ang appointment ay naging epektibo, isang araw bago sabihin ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte na ibabalik niya sa serbis-yo si Marcos sa kabila ng kasong kinakaharap kaugnay sa pagkamatay ni Espinosa at isa pang preso noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Sa panayam, sinabi ni PNP chief, Director Ge-neral Ronald dela Rosa, si Marcos, dating CIDG chief sa Eastern Visayas nang mapatay si Espinosa at isa pang preso habang nakakulong noong Nobyembre, ay dapat pagtrabahuin dahil siya ay nasa payroll pa ng gobyerno.
“Gamitin natin siya, sayang naman. Sumusuweldo siya tapos wala siyang trabaho, ‘di ba? Dapat magtrabaho siya,” aniya.
Ani Dela Rosa, walang problema sa pagpapabalik sa serbisyo kay Marcos. “Kung okay naman ‘yung kaso niya, na-resolve na yung kaso in his favor, then okay lang. Dumaan naman sa legal na proseso, ‘di ba? So okay lang,” aniya pa.
Nitong nakaraang buwan, ibinaba ng Department of Justice (DoJ) ang kasong murder patungo sa homicide laban kay Marcos at 18 iba pang i-nakusahan sa pagpatay kay Espinosa at isa pang presong si Raul Yap, sinasabing nakipagbarilan sa mga pulis nang isilbi ang search warrant sa loob ng kulungan.