ITINURING ni Ilocos Norte Government Imee Marcos ang imbestigasyon ng House Representatives Committee on Local Government and Public Accountability, kaugnay sa paggamit ng tobacco funds, bilang ‘witch hunt’ na naglalayong siya ay sirain.
Ayon kay Marcos, si Rep. Rodolfo Fariñas, ang naghain ng resolusyon, ay kanyang karibal sa local politics at dominado ang tobacco fund hearing mula sa simula. Aniya, si Fariñas ang umakto bilang im-bestigador, prosecutor, at judge.
“Nahusgahasn na ako! Para matapos na ito at hindi ginagawang inquisition ang Kamara… Dalhin natin ito sa husgado.”
Sa patuloy na pag-kakapiit ng anim em-pleyado ng Provincial Government ng Ilocos Norte (PGIN) tinaguriang “Ilocos Six” inihalintulad niya ito sa “hostage crisis.”
Binigyang-diin ni Marcos na karamihan sa “Ilocos Six” ay appointees ni Fariñas noong ang huli pa ang gobernador, sinabing, “Pinakulong sila ng dati nilang amo—ang among ipinagtanggol nila nang ilang beses sa Ombudsman noon,” tumutukoy sa multiple charges noong 2002 laban kay Fariñas kaugnay sa ilegal na pagagamit ng public funds noong ang huli pa ang gobernador.
‘Under oath,’ hiniling ng “Ilocos Six” na makita ang original vouchers at mga dokumento kaugnay sa kinukuwestiyong transaksiyon, dahil ta-nging photocopies ang ini-harap ng House Committee.
Sinabi ni Governor Maros, “Malinaw ang Rules ng Committee on contempt – refusal to answer. Ayaw sumagot. Ang ‘Ilocos Six,’ suma-got. Ipinakulong dahil hindi gusto ang sagot. Makatarungan ba at ayon sa batas ang pagkakulong?”
LOCAL POLITICS
NASA LIKOD
NG IMBESTIGASYON
Noong 2010, sina Fariñas at Marcos ay nangampanya at kapwa nanalo, ngunit ang una kalaunan ay inalis sa “One Ilocos Norte” slate noong 2013.
“Noong 2010, sa ta-gal nang panahong wala na siya politika, ako ang tumawag at nagkombin-sing tumakbo siya. Klaro ‘yan sa Ilocos Norte,” ayon kay Governor Marcos.
“Gusto niyang patakbuhin ang kanyang anak na si Ria Fariñas bilang kapalit niya. Gusto akong palayasin sa Distrito niya. Napapraning ‘ata na lalabanan ko ang anak niya.”
Si Marcos ay nakatira sa first district ng Ilocos Norte, na kinatawan si Fariñas sa Kamara. Ang ina ni Marcos na si Congresswoman Imelda R. Marcos, ay kinatawan ng second district. “Praning na kung praning man siya, dahil ginawa niya, nasabi ko sa Ilocos na tatakbo akong Congresswoman sa Ilocos Norte,” dagdag ng gobernadora.
PAGLILINIS
NG KANYANG
PANGALAN
Kaugnay sa transaksiyon hinggil sa paggamit ng tobacco funds, inilatag ito ni Marcos ngunit ang Commission on Audit (CoA) mismo, ay walang “adverse findings” sa Provincial Government. “Mismong CoA ang nagsabi na maayos ang pamamalakad sa pondo. Ina-min din nila na wala silang pinadalang AOM o Audit Memorandum sa probinsiya.”
Hinggil sa sinasa-bing overpricing, ipinunto niyang ang mini-trucks, na may larger capacity kaysa multi-cabs, ay binili nang mas mababa sa automobile’s published price para sa nasabing behikulo.
“Kung may tunay na ebidensiya na mali ang gawa, gusto natin na ihanda na tayo sa korte, sa Ombudsman, at kung saan pa man upang magkaalaman na kung ano ba talaga ang totoo at kung kami at ang opisyal ng probinsiya ang may sala,” hamon ng Gobernadora.