Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

27-anyos salesclerk inagasan sa cytotec

 

INOOBSERBAHAN sa pagamutan ang isang 27-anyos babae makaraan uminom ng pampalaglag ng sanggol sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa.

Sumasailalim sa eksaminasyon ng mga espesiyalista ng Jose Reyes Memorial Medical Center si Jane Eguia, 27, sales clerk, ng LRC Compound, CM Recto Ave., Sta. Cruz, naagasan bunsod nang pag-inom ng Cytotec.

Ayon sa ulat ni PO2 Jonathan Ruiz ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang Allan Lamoste, security guard ng nasabing pagamutan, kaugnay sa isang pasyente na hinihinalang uminom ng pampalaglag.

Base sa imbestigasyon, dakong 7:00 am nang uminom ng Cytotec ang sales clerk at makaraan ang mahigit 12-oras, 7:45 pm, nang sumakit ang tiyan at dinugo, kaya isinugod sa nasabing pagamutan.

Habang kinompirma ng kasintahan na si Eden Desucattan, 23, ng Flerida St., Malabon City, nitong Martes ng umaga ay bumili ng 10 piraso ng Cytotec si Eguia sa Quezon Blvd., Quiapo, Maynila.

(BRIAN GEM BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …