Saturday , November 16 2024

Turistang Aleman nadale ng salisi sa North Cemetery

 

ISANG German national ang nasalisihin ng kanyang mahahalagang gadgets habang nag-iikot sa loob ng Manila North Cemetery compound, sa Blumentritt St., Sta. Cruz, Maynila nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Julian Reckster, 24, German national, pansamantalang naninirahan sa Sulit Dormtel Road 3, Sta. Mesa.

Sa salaysay ng Aleman kay SPO1 Wilfredo C. Balderama, naglalakad umano siyang mag-isa sa loob ng nasabing sementeryo upang kumuha ng retrato at nang matapos siya’y inilagay ang camera sa loob ng backpack.

Napansin na ni Reckster na maraming taong nakapaligid sa kanya pero napagtanto niya ito at kinutuban nang nakita niyang bukas ang backpak at wala na ang camera bag.

Ilan sa mga nakuha sa Aleman ang camera bag, Olympus camera, LG Brand small camera, 128gb USB Drive, 31gb Sandisk Ultra at 64 gb 2x SD card nagkakahalaga lahat ng 883 Euro o P51,196.

Ayon sa pulisya, unang tinawagan ni Julian ang insurance company ng kanyang mga gamit at pinayuhan siyang mag-report sa pulis.

Pumunta siya sa San Juan Police station pero sinabi sa kaniyang hindi nila sakop ang pinangyarihang lugar kaya pumunta sa nadaanan na Balic-Balic police station hanggang dinala siya sa Sta. Cruz Police Station (PS3) na naisagawa ang imbestigasyon.

Tuloy ang ginagawang imbestigasyon ng General Assignment Investigation Section (GAIS) ng MPD.

Ayon kay SPO1 Balmaceda, relax na dumating ang Aleman at iniulat ang insidente.

Aniya, nagtitipid siya kaya sa dormtel niya piniling pansamantalang manirahan dahil kung sa 5-star hotel ay baka hindi na siya makauwi sa kanilang bansa.

Kasalukuyang nasa Cebu si Julian para sa dalawang linggong bakasyon sa lalawigan.

(ALEXIS ALATIIT)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *