Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina, haharapin muna ang pag-aaral

PLANONG mag-enroll ni Shaina Magdayao ng kursong BS Psychology para lubos niyang maunawaan ang pasikot-sikot sa itinayo niyang Smile Cares Foundation kasosyo ang Yes Pinoy Foundation na pinamamahalaan ni Dingdong Dantes.

Pinayuhan si Shaina ng legal adviser ng foundation na si Atty. Lucille Sering, “si attorney, she advise me to take online classes, mayroon siyang sinasabing university in Melbourne, Australia na I forgot the name, it’s really time consuming with the work I have now tapings for ‘The Better Half’, so hindi ko pa alam kung paano ko hahatiin, but definitely after that (serye).”

Bukod sa Psychology ay plano ring mag-enrol ni Shaina sa UP Los Banos.

“I’m gonna take crash courses and we’re setting up ‘yung Farm Tourism kasi wala naman talaga akong kaalam-alam doon, so we’re gonna work with the best, we’re gonna bring out the best. So, we’re gonna take-up weekend courses in UP Los Banos yata.

“Actually it’s the other way for me kasi ‘I became expose first as a businesswoman before, kaya sabi ko, nanghihinayang ako na hindi ko natapos ang pag-aaral ko kasi hindi ko alam ‘yung ibang bagay like this putting up a foundation, akala ko ganoon lang, madali naman kasing tumulong kaso kailangan may mga dapat pag-aralan. I only finished high school, I didn’t go to college kaya nga kailangan kong mag-aral talaga,” pagtatapat ng isa sa cast ng Better Half.

Speaking of The Better Half, muling nagkita na sina Shaina (Camille) at JC de Vera (Rafael) base sa umeereng kuwento ng serye noong Lunes, Hulyo 10, na talagang inabangan ng sumusubaybay kung muling magkakalapit ang kalooban nila pagkatapos nilang maghiwalay.

Nakakuha sa national TV rating na 14.8%, kompara sa bagong katapat na programa sa GMA 7 na 12.6%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Naging usap-usap din sa online ang palabas matapos maging trending topic ang official hashtag ng palabas na #TBHSigawNgPuso na nakakuha ng libo-libong tweets mula sa netizens.

Mas maraming pa ngang dapat abangan ang mga manonood dahil mas magiging komplikado pa ang kanilang mga buhay dahil habang muling ipinadarama nina Camille at Rafael ang kanilang pagmamahal para sa isa’t isa, susubukan namang ipaglaban ni Marco (Carlo Aquino) ang kanyang pag-ibig upang muling masungkit ang puso ng dating asawa.

Bukod naman sa mga plano niyang mabawi si Marco, patuloy naman ang pagtatago ni Bianca (Denise Laurel) ng mga ebidensiyang siya ang pumatay kay Juancho (Epy Quizon) sa tulong ng kanyang ama.

Kaya abangan ang mga buhay na pinagsama-sama at sinira ng pag-ibig sa The Better Half, pagkatapos ng Pusong Ligaw sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …