Saturday , November 16 2024
knife saksak

Kelot nagsaksak sa sarili (Tangkang iwan ng siyota sa tagayan)

 

ISANG 22-anyos lalaki ang nagsaksak sa sarili nang magtangkang umalis ang kanyang 20-anyos na kasintahan sa harap ng mga kainumang kaibigan sa Moriones, Tondo nitong nakaraang Linggo.

Kasalukuyang nagpapaga-ling ang biktimang si Laurence Calinaya, walang trabaho, residente sa Sandico corner Kagi-tingan streets Tondo, sa Mary Johnston Hospital dahil sa su-gat na nilikha ng kanyang pagsasaksak sa sariling tiyan.

Nauna rito, isang tawag ang natanggap ni SPO2 Remegio Panganiban, duty desk officer ng Moriones Police Station (PS2), dakong 12:43 am nitong 9 Hulyo mula sa staff ng Mary Johnston Hospital na si Ryan Bagua hinggil sa isang kaso ng tangkang pagpapakamatay.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Leo Afable, nakausap niya ang kasintahan ng biktima na si Kimberly Binas, 20-anyos, walang trabaho, residente sa Jacinto St., Brgy. Ibaba, Malabon City, at sinabing nagtalo sila ng biktima nang hindi siya payagang umuwi.

Dakong 10:30 pm nang magkayayaan mag-inuman ang magkakaibigan kasama ang magkasintahan hanggang magkaroon ng pagtatalo sa pag-uwi ng babae.

Pinaniniwalaang nais pigilan ni Calinaya si Binas sa kanyang pag-uwi pero hindi pumayag ang babae kaya nagsaksak ang lalaki sa sarili.

Isinugod si Laurence sa Mary Johnston Hospital ng kani-yang inang si Daisy.

(RONALINE AVECILLA)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *