Saturday , November 16 2024

Cavite prov’l health officer itinumba

 

TRECE MARTIRES, Cavite – Binawian ng buhay ang provincial health officer makaraan pagbabarilin ng mga naka-motorsiklong mga suspek sa bayang ito, nitong Martes ng gabi.

Pauwi ang biktimang si Dr. George Repique, Jr. kasama ang driver ng kanyang Hyundai Elantra nang atakehin sila ng mga gunman.

Tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang doktor at binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital.

Sugatan din ang driver niyang kinilalang si Riorito Jose Bacasa.

Bumuo ng task force ang Cavite police para tugisin ang mga suspek.

Kaugnay nito, kinondena ng Health Alliance for Democracy (HEAD) ang pamamaslang kay Repique.

Anila, si Repique ay ikatlong doktor na na-patay sa loob ng limang buwan, pagkatapos ng pagpaslang kina Dr. Dreyfuss Perlas noong Marso at Dr. Jaja Sinolinding nitong Abril.

“Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nabibigyan ng hustisya ang pagpaslang kina Perlas at Sinolinding, habang ang kamatayan ni Repique ay malungkot na kompirmasyon nang walang pakundangang pa-mamaslang sa bansa,” pahayag ng HEAD.

“We demand justice for our killed colleagues. We demand that perpetrators be arrested and punished. The Department of Health cannot dismiss his death as ano-ther isolated case and must take concrete steps to protect frontline health workers.”

“He had a very strong public health perspective and had partnered with the UP Community Health and Development Program,” dagdag ng HEAD.

Si Dr. Repique ay kabilang sa University of the Philippines – College of Medicine class of 1993.

Nanunungkulan siyang Provincial Health Officer ng Cavite nang paslangin nitong Martes.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *