Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, may sikreto sa pagiging mukhang bata

 

MARAMI ang nakapansin sa mabilis na pagpayat ng mahusay na aktres na si Sylvia Sanchez sa guesting nito sa Tonight with Boy Abunda at sa Ipaglaban Mo.

Pero sa pagpayat nito ay mas lalo pang bumabata ang hitsura ni Sylvia dahil na rin sa tulong ng kanyang ineendosong produkto, ang Beautederm na pag-aari ng napakabait at very generous na si Rei Ramos Anicoche Tan.

Buwan ng Hunyo ng mag simulang magpapayat si Sylvia na nag-hashtag ng#operationtaba program. Kinuha pa niyang trainor ang Southeast Asian Games champion sa Track and Field at Long Jump na si Elma Muros-Posadas na apat na araw ang training sa ULTRA simula 6:30 a.m. hanggang 1:00 p.m..

Reason nga ni Sylvia kung bakit gusto niya magpapayat nang makausap namin sa telepono, ”Wala lang, gusto ko lang, mahirap din kasi ang mataba, nahihirapan akong gumalaw o kumilos.”

“And of course nakahihiya naman sa ine-endorse kong product, ang Beautederm kung hindi ako magpapapayat, eh halos karamihan ng mga nag-eendorse ng ganitong klaseng produkto mga slim and sexy.

“So ako naman kailangan din sumabay bilang pasasalamat na rin sa Beautederm at pinagkatiwalaan nila akong kuning image model.

“And para maiba rin, para kapag may ginawa akong bagong teleserye ibang Sylvia Sanchez ang mapapanood nila.

“At saka thankful ako sa Beautederm kasi mas pinagaganda nila ako at mas nagmumukhang bata very effective kasi ‘yung nga produkto nila sa akin,”pagtatapos ng napakabait na aktres.

MATABIL – John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …