Friday , December 27 2024

IDOLE tagumpay ng OFWs kontra pahirap na OEC

TAPOS na ang nakakukunsuming panahon para sa overseas Filipino workers (OFWs) na nauubos ang oras at pera sa kapapasahe sa pagkuha ng overseas employment certificate o mas kilala sa pinaikling katawagan na OEC.

Lalo na kung ang isang OFW ay galing pa sa malayong lugar.

Kung ang isang OFW ay mayroong 30-araw 0 45-araw na bakasyon (bihira ito), dalawang linggo rito ay maibubuhos nila sa pagbabalik-balik sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para kumuha ng OEC.

Tuwing umuuwi kasi ang isang OFW, isa sa rekisitos sa kanilang pagbabalik sa kanilang trabaho sa ibang bansa ay ‘yang OEC na kay hirap-hirap kunin.

Salamat naman at natawag ng mga nagrereklamong OFW ang pansin ng mga opisyal ng gobyerno, pangunahin ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ngayon ay pinamumunuan ni Secretary Silvestre “Bebot” Bello.

Ngayong araw, 12 Hulyo 2017 ay ilulunsad ang IDOLE (ID of the DOLE) bilang kapalit g OEC at magsisilbing Social Security System (SSS), Pag-ibig Fund, and PhilHealth membership IDs ng mga OFW.

Sa malaunan, nais ng DOLE na itong IDOLE ay maging pasaporte na rin ng OFWs.

Kasunod nitong IDOLE, ilulunsad sa Oktubre ang OFW Bank.

Kung hindi tayo nagkakamali, ‘yang OFW ID at OFW bank ay pangako ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga tinatawag nating Bagong Bayani.

Kung anong laking tulong ang nagagawa ng OFWs sa ating ekonomiya, siya namang tila paglimot ng mga nagdaang administrasyon sa kanilang kalagayan lalo sa kanilang pamilya na tila walang nailalaang mahusay na programa ang pamahalaan.

Malaking kabalintunaan talaga ang nagaganap na ito sa kanilang sektor.

Wala rin itong ipinag-iba sa malawak na kawan ng mga manggagawa na bumubuhay sa ating industriya pero laging huli sa listahan ng gobyerno ang pagbibigay ng benepisyo.

Mga magsasakang bumubuo sa 75 porsiyento ng ating mga mamamayan pero hanggang ngayon ay walang mga sariling lupang sinasaka at walang pag-aaring bahay.

At higit sa lahat, sila ang nagpapakain sa mamamayang Filipino pero sila ay walang maihain sa kanilang hapag kainan.

Sana’y hindi tumigil sa kapakanan ng OFWs ang pagkalinga ng administrasyong Duterte, sana’y sumaklaw pa ang mahuhusay na proyekto at programa ni Pangulong Digong sa mas malawak na batayang masa sa ating lipunan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *