Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PNP internal cleansing mas epektibo kasama ang religous sector! (Attn: PNP PCR)

SERYOSO ang kampanya ng pulisya sa paglilinis ng kanilang bakuran at pagwawaksi sa mga tinaguriang pulis scalawags sa pamamagitan ng internal cleansing program sa hanay ng PNP.

Epektibo ang programa na nabawasan ang matutulis at maliligalig sa kanilang hanay. Mayroon rin naman nadamay lang sa sistema at naisahog sa listahan ng tapunan sa Mindanao na parte ng paglilinis sa hanay ng pulisya na inilatag ni C/PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

Sa ating pananaw, base sa pakikipaghuntahan natin sa ilang mga opisyal sa PNP, mas maganda nga kung mamumulat ang pulisya sa Divine Intervention man lang o mas maganda ang pagkakaroon ng religious sector na magiging katuwang sa pagsasagawa ng internal cleansing.

Kumbaga habang nililinis ang kanilang bakuran ay nagkakaroon ng direksyon ang hanay ng pulisya kaugnay sa mga salita ng Diyos. Aral na maaaring ipatupad sa kanilang serbisyo at maaring ibahagi naman ng isang Police Community Relations (PCR) officer sa kanilang uganayan sa barangay.

Sa pamamagitan ng isang masigasig na religious sector na magsasagawa ng kahit regular na isang oras man lang na internal cleansing o Bible study ay maibabahagi sa mga pulis ang buhay ng isang indibidwal na mayroong Diyos sa kanilang puso tungo sa matuwid na pamumuhay at makataong serbisyo publiko.

Kung ang mga preso at mga drug surrenderee ay may moral uplifting program, ang pulisya at religious sector ay nararapat rin magkaroon nang ganyang programa lalo sa hanay ng police officers nang sa gayon ay maagang mamulat sa aral at salita ng Diyos.

YANIG – Bong Ramos

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …