SINIRA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Martes ang P134 milyon halaga ng ilegal na droga na nakompiska sa mga serye ng operasyon.
Gumamit ang PDEA ng thermal decomposition para sirain ang 44 kilo ng marijuana at shabu, sinunog ang mga ito sa loob ng dalawang chamber hanggang maging abo.
Ayon kay PDEA Director General Isidro Lapeña, nakom-piska ang droga mula sa apat drug suspect na inaresto sa Brgy. Manresa, Quezon City nitong Nobyembre 2016.
Nai-turn over na aniya ang mga ito sa korte at hindi na kailangan bilang ebidensiya.
Dagdag ni Lapeña, sinira nila ang mga naturang shabu at marijuana upang hindi isipin ng publiko na inire-recycle ang mga nasasabat na droga at inilalako muli sa merkado.