KINAMUMUHIAN pa rin pala hanggang ngayon ng isang showbiz momang kaibigang babae (KB) ng kanyang daughter dear (DD) dahil sa atraso nito, at bakit?
Si KB pala kasi ang dahilan kung bakit nakilala ni DD ang isang mayamang negosyante, at eventually ay naging dyowa niya ito.
“Lumalabas kasi na parang ibinugaling ni KB si DD doon sa rich businessman kaya ganoon na lang galit ng mudrabel! Kaso, hindi rin nagtagal ang relasyon nila. Hulaan mo kung sinex na ang dyowa ng rich guy na ‘yon?” kuwento ng aming source sabay pinahulaan kung sino ang isa pang girlalu na involved sa kanyang tsika.
“Siret?” tanong ng aming source noong wala kaming sagot sa kanyang guessing game.
Sey nito, balitang nali-link naman daw ngayon sa mayamang businessman na ‘yon ay syupatembang ni DD.
Puwes, da who si DD na isa nang kasaysayan sa buhay ng richie-richie guy na nauugnay naman sa kanyang sisteraka? Isyogo na lang natin siya sa neymsung na Dindi Cornetto.
(Ronnie Carrasco III)