Saturday , November 16 2024

Dulay, 17 BIR official kinasuhan ng Plunder

ISANG mataas na opisyal ng pamahalaang Duterte ang nasa balag ng alanganin matapos magsampa ng kasong Plunder ang isang taxpayer laban kay Commissioner Ceasar Dulay at 17 pang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagsabwatan upang dayain ang gobyerno nang halos P30 bilyon.

Sa Ombusdman Case No. IC-OC-17-1109, inireklamo ng taxpayer na si  Danilo Lihaylihay, residente ng Quezon City, nagsabwatan sina Dulay, BIR Deputy Commissioner Gaudencio Mendoza Jr., Asst. Commissioner Teresita Angeles ng Large Taxpayers Service at 15 pang opisyal ng BIR u-pang mapababa ang bayaring buwis ng Del Monte Philippines, Inc., mula sa halos P30 bilyon na naging P65 milyon lamang kaya malinaw na paglabag sa Section 2 in relation to  Section 1 (d) (6) ng Republic Act 7080 o Plunder.

Ayon kay Lihaylihay, nagkutsabahan ang mga opisyal ng BIR para mapababa at i-terminate ang assessment ng Del Monte sa mga taong 2011 hanggang 2013 mula sa halos P30 bilyon na naging P65 milyon lamang kaya kaagad binayaran nitong E-nero 31, 2017 kaya nadaya ang gobyerno ng mahigit P29 bilyon na sanhi ng malaking pinsala sa mamamayang nagbabayad ng patong-patong na buwis.

Ang mga BIR exa-miner na dating nakata-laga sa binuwag na Large Taxpayers Division Office (LTDO)  sa Makati ang nagsagawa ng initial assessments na inatasang tulungan ang Del Monte na mapababa ang baya-ring buwis ay nakilalang sina Ofelia T. Yumang, Ruby P. Villanueva, Ma. Catalina G. Benedicto , Group Supervisor (GS) Exzaida  D. Comentan, GS Cherylle Anne Adapon, Amelia A.  Molinos, Belinda D. Balagtas, Lourdes B. Liwanag, Fatima P. Sarrosa at GS Noemi D. Castro,

“Dapat talagang paimbestigahan ng Kong-reso ang kabulukang ito dahil isang kompanya pa lamang ito at marami pang nasa Top 1,000 corporations sa bansa ang gumagawa ng ganitong estilo makalusot lamang sa tamang buwis,” ani Lihaylihay. “Hindi na dapat mag-isip ng mga bagong buwis na magpapahirap sa sambaya-nan ang taga-BIR kung nagtatrabaho sila nang walang katiwalian.”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *